May 7th, 2008
charging.
May 3rd, 2008
a world so cold..
summer ngayon...
summer...
as in summer...
mainet.. hot..
pero bakit ikaw...
nanlalameg..
April 10th, 2008
Sinabi mo.. Pero...
Sinabi mo babalik ka..
Nasan ka na? Andyan ka pa ba?
Hindi naman sa hindi ako makapaghintay..
Pero hanggang kailan, hanggang ako'y mamatay?
Sinabi mo kilalanin natin ang isa't - isa
Para kung magiging tayo muli, wala ng problema..
Ang ganda ng umpisa
Pero sa huli, wala na..
Sinabi mo sa akin maging masaya
Dahil babalik na ang aking ligaya..
Pero bakit sinabi mo na mahal mo pa siya
At sa puso mo'y hindi na ako kasya...
Sinabi mo ako din ay iyong hinahanap
Pero pag andyan na ako
Iba naman ang iyong hinahagilap
Hindi ko man ito lubos na matanto
Pero wala akong magagawa dahil yun ang totoo...
April 6th, 2008
Dugo: a vampire's Lament
Paduduguin ko ang utak ko ngayon para may maisulat
Maghahanap ng salita na pakalat-kalat
Na mananahan sayo hanggang sa huli mong pagdilat..
May mga dugong pumatak pero hindi sapat
Hindi sapat para punan ng bawat salita ang papel na ito
Wala ng tugma at wala na ring saysay
Pero ang mga salitang ito ay parang dugo, sa akin nananalaytay...
Tulad mo na parang dugo, nasa sistema ko
Mahigit limang litrong dumadaloy sa ugat ko
Labas masok sa puso ko
At dahilan ng pagtibok nito...
March 30th, 2008
BunjeE jUmping (repost)
Nag iisa sa dilim
Naghahanap ng makakapiling.
May Liwanag na nakita
Siguro yun na siya....
Minsan na akong nahulog at may sumalo
Ngunit bibitawin din pala ako....
Nakita kita na nasa ibaba
kasabay ng pagbagsak ng aking luha
Kasabay din nito ang aking puso
At ang damdamin ko para sayo isuko....
Sinalo mo ako ng walang pag aalinlangan
At sa piling mo ako'y nanahan
Pinaramdam mo sa akin ang kasiyahan
At ito naman ay aking pinahalagahan...
Pag-ibig ko sayo inalay
Halos pati buhay ibibigay
Pinalanging makasama ka habambuhay
Para masaya akong mamatay...
Ngunit sa hindi inaasahan
Nangyari ulit ang aking karanasan
Sa takot ako'y kinabahan
Pakiramdan ko ako'y pinarusahan...
Paalam iyong binigkas
Paano na ako bukas?
Hindi ako makakatakas
Ang sakit sa mukha ko mababakas...
Kasiyahan ko'y biglang nawala
Luha ko'y dumaloy pababa
Habang ang sakit ay lumalala
Eto ako ngayon iniwan mong tulala...
Sa paglisan mo, hiling ko'y ika'y bumalik
Madama ang matamis mong halik
Tinig mo'y gusto ko pang marinig
Na bumubuo sa aking daigdig...
Alam ko hindi mo ako tanggap
Anong gagawin ko ang magpanggap?
Sa aking paghulog ako'y iyong sinalo
Pero tulad ka din ng iba
Binitiwan ako.....
March 19th, 2008
kandiLa..
Isang bagay na nagbibigay kulay,
nagbibigay liwanag,
nagbibigay pag-asa,
nagbibigay saya.
Isang hamak na tuldok dito sa unibersong
kinapapalooban ng lahat ng tao.
Ginamit ang kandila upang magbigay liwanag sa dilim,
upang mangibabaw ang katotohanan,
upang itama ang bawat daan.
Sa bawat araw na nagdaraan,
dito sa iyong harapan
ay may kandilang handang
ibigay sa iyo ang lahat.
Isang kandilang patuloy na natutunaw
mula nang iyong sinindihan-
Sinakop at nilabanan nito ang dilim sa iyong paligid,
at nagbigay init ng walang kapalit.
wag mong iiwan ang kandilang iyon
dahil unti-unting mauubos at matutunaw ang kanyang katauhan
na wari'y pinapapatay sa tuwing nasasaksihan niya
ang mapait na katototohanang ika'y di kanya't siya'y di iyo.
Siguro nga,
sadyang isang bagay lamang ang kandila
na nagbibigay kulay,nagbibigay liwanag, pag-asa at saya,
wala nang iba;
isang hamak na tuldok lamang ito dito sa uniberso-
isang unibersong kinapapalooban ng lahat ng tao.
Hinihiling lang ng kandila
na sana'y huwag mong kalimutan
ang lahat ng liwanag,
ang lahat ng pagmamahal
na kanyang inilaan
para sa iyo.
Oo, hiling ko bilang kandila mo...



